Dumating ako sa UST ng 10 am. I was with my ate. So, kumain na muna kami ng lunch at Shakey's habang hinihintay ko pa mga kasamahan ko. We ordered Bunch of Lunch. Yung may pizza, caesar's salad, 2 mojos at crispy chicken. Nag-stay kami dun ng 1 hour and after that pumunta na ako sa meeting place at nakita ko friends ko. We made chika-chika while waiting for the others. Habang naghihintay, may lumapit na taong grasa na hubo't hubad kay BOY at inaalok siya ng chocolate. Tawa naman kami. Umalis na lang yung taong grasa. And after a while, sa wakas dumating na mga klasmeyts namin.
And thus, nagsimula na ang travel namin.
First, sumakay kami ng trike to Legarda. Easy.
Next, eto na. Pagkabayad ko ng fare to Santolan, we waited for the train to arrive and after a while, sumakay na kami ng LRT 2. Pagkasakay ko, parang nasa ibang dimensyon na ko. Cool! Hindi ko akalain na airconditioned at may lights yung tren. Ang konti pati ng tao. Travel time is about 30 mins, I think. After we arrived at our destination, eto na! After kong ipasok yung card, nagtaka ako kung bakit walang lumalabas. Medyo kinabahan ako. I just stood there like an idiot. Tapos si BOY 1, sinabi, "Uy! Hindi talaga lalabas 'yan." So tawa na lang ako to hide my embarrassment. Saka ko naalala na nasa Santolan na kami. Silly me! :))
So ayan, sumakay na kami ng jeep papunta sa bahay ng klasmeyt. We made preparations for the program. We pumped balloons, naglagay ng mga prizes sa pabitin. Gumawa yung iba ng arroz caldo. After the preparations were done, pumunta na kami sa orphanage. Masaya yung mga activities na na-prepare para sa mga kids. The program finished at about 4:30. After that, bumalik na kami sa bahay ng klasmeyt namin. We ate merienda (hindi naman talaga ako kumain). Tapos umalis na kami ng 5:30. Kasama ko si GIRL 1, GIRL 2, GIRL 3, BOY 1 at BOY 2 sa tren. BOY 1 kept teasing me since he found out that it was my first train ride. Pagdating ng USTe, we went our separate ways. Nagkita kami ng ate ko sa terminal and it only took 1 hour to get home since it's a holiday.
Much better if I remembered to take pictures of me riding the tren.
Pagdating ng bahay, first thing I did was to open my laptop and to post the things that happened to me today in my blog and here I am. Hehe! :)
Ok, kakain na ko.
Signing out, nagmamahal,
Bebs
P.S. Don't be mislead by the title. Wala talaga akong maisip na title.This is all about the things that happened to me today. :)